Lunes, Hunyo 6, 2011

Van, nasunog sa Bagong Silang (video)

video


Nagliyab hanggang sa tuluyang matupok ng apoy ang kabuuan katawan ng isang van kahapon... sa kahabaan ng kalye ng Phase 4 Package 1, Bagong Silang Caloocan City.

Ayon sa driver na si Rex Nofies, Nakasaksi sa pangyayari, sinusundan niya ang van bago pa man ito mag-spark at tuluyang masunog.

Ganito rin ang naging pahayag ng residenteng si Roberto Mesias na nakasaksi rin sa insidente... aniya, bago pa man lumaki ang apoy at tuluyang masunog ang sasakyan... nakuha pa ng owner na buhusan ng dalawang timbang tubig ang nasabing sasakyan... subalit hindi  naman ito naging epektibo... Nagawa naman umanong mailigtas ng may-ari ang kanyang apo bago pa lumaki ang apoy.

Dagdag niya... papunta sana sa kamag-anak na nasaksak ang may-ari ng sasakyan... subalit nangyari ang insidente... kaya naman, ang tanging nagawa nito ay itabi ang kanyang sasakyan upang hindi makapinsala at panoorin na lamang ito hanggang sa matupok.

1 komento: