Biyernes, Hunyo 10, 2011

Like Biyernes Santo!

Tila biyernes santo ang araw ko ngayon... pa'no ba naman... santambak ang mga langgam na pula na masakit kung matitikman ka nila.... makulit ang baby ko na tila ayaw akong patulugin ni siya ayaw rin matulog... baradong drainage na dapat nagawa na... mainit na panahon after the storm... walang mautusan para maging katulong sa mga gawaing bahay... at higit, cramming na ako sa mga dapat kong gawin.

Gaano man kalaki at kamura ang apartment na inuupahan namin... hindi pa rin magiging masayang tumira rito... siyempre paano ka masisiyahan kung hindi mo magagamit ang lababo dahil barado... ang cr na mabagal humigop ng water at mga dingding na tila gigiba anytime... with bonus pang organism behind the wall.

Lately nga nagulat ako kasi may tubig sa kwarto at inakala ko pa na m,ay nabuhos or tumulo mula sa roof... then I discovered na galing sa floor... kasabay pala nun ng malakas na ulan... siguro na-overwhelm yung water sa ground kaya pumasok sa room namin.

Sigh... paano ko ba maaayos ang mga ito kung walang pakialam ang may-ari ng bahay!

2 komento: